Business Flight – Bangkok, Thailand

Business Flight – Bangkok, Thailand

Bangkok is one of the top tourist destinations in South East Asia.

Untitled

Untitled

Bukod sa natural at cultural landmarks, kilala rin ito bilang shopping mecca. Dahil affordable at malapit lang sa Pilipinas, isa ang Bangkok sa mga favorite shopping destinations ng mga Pinoy.

Untitled
“Kung makikita niyo itong blouse na ito, 120 baht, equilavalent to 170 sa pera natin. Siguro mas mababa pa ito pag wholesale prize.”

Untitled

“kung gusto mo ng damit na medyo sosyal, pumunta ka dito
kung ayaw mong mainit at makipagsiksikan, pumunta ka dito”

Matapos ang nakakapagod at nakakagutom na shopping spree, oras naman para matikman ang ilang ipinagmamalaki nilang pagkain dito sa Bangkok. Ang Bangkok daw ang isa sa may pinakamalawak na street food culture sa buong Asya. Gaya sa atin, laganap din dito ang street vendors na naglalako ng iba’t-ibang pagkain…gaya ng mamang ito na ipinakita kung paano ang paggawa ng thai-style na banana crepe.

Bukod sa street food, masigla rin ang fast food business dito. Kaya dito sa Shibuya Mall, sinadya namin ang isa sa mga national dish ng Thailand, ang phad thai. Ang phad thai ay isang stir-fried rice noodles na may shrimp at peanut toppings.

Nagmula rin sa street food landscape ang phad thai pero ngayon, makikita na rin ito sa mga fast food restaurant. At para makumpleto ang aking Bangkok vacation, pagsakay naman ng tuktuk ang ginawa ko. Kung masy traysikel sa PIlipinas, tuktuk naman sa Thailand.

Untitled

This experience is indeed a fitting end to an exceptionally different summer break. Ang masaya at di malilimutang bakasyon, wala sa lugar at paraan kung paano mo ito ginugol. Ito ay nasa kalidad ng bawat sandali, mag-isa ka man o kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

 

Pinterest

Related posts