Business Flight – Cristina Explores Mexico ( Part 1)

Business Flight – Cristina Explores Mexico ( Part 1)

Ang Mexico ay kabilang sa North American continent. Kung manggagaling ka sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng US-Mexico border ay nasa Mexico ka na sa loob ng isa o dalawang oras. Ang kalakhang Mehiko ay nakaharap sa dagat Pasipiko kaya marami ring beach resorts na makikita dito. Isa na rito ang Rosarito, isang kilalang coastal resort city sa Baja California.

ola de playa Popotla!

2

Ang Playa de Popotla ay isa sa paboritong resorts dito dahil sa malinis at hindi pa fully commercialized ang parteng ito.Alam niyo ba na kung didiretsushin ang beach na ito, nasa kabilang panig daw nitong Pacific ocean ang Pilipinas?

Sa aming paglilibot nakita namin ang isang kakaibang komunidad dito sa Popotla.

3

nandito ako ngayon sa popota trailer park. El magnifico!

Kung mapapansin ninyo, ang mga bahay na ito ay gawa sa container vans na pininturahan ng iba’t-ibang kulay at nilapatan ng iba’t-ibang disenyo. Ilang minuto naman mula dito ay ang Villa San Pedro. Sa taas nito ay makikita ang higanteng imahe ni San Pedro. Isa itong patunay na malaki ang pagkakapareho ng Pilipinas at Mexico, mula sa kultura hanggang sa relihiyon.

Mula naman dito sa taas, makikita ang breathtaking view ng karagatan. Hindi ko maitatanggi na iba ang hatak sa akin ng isang payapa at hindi mataong pasyalan. At kahit off-limits na lugar, hindi ko napigilan na puntahan.

4

​“prohibito el paso atoda persona ajena este lugar” 9655 ang ibig sabihin un, hindi ka pwede pumasok dito…
gusto ko lang makita niyo ang kagandahan nito. Ang ganda-ganda dito di ba?”

Marahil kung may bagay na malaki ang pagkakaiba sa atin ng Mexico, ito ang pagkain.

5

“siyempre pag nasa mexico ka ang un among hahanapin ang ang kanilang tacos at margarita, isawsaw pa natin sa authentic na salsa
sarap! Makremang-makrema”

Kung sa atin sa Pilipinas and staple food ay kanin, sa kanila ay tortilla. Ang tortilla ay maaring gawa sa karaniwang arina o corn flour. Madalas ay pinapalamanan ito ng karne para maging burrito o nacho at keso naman para maging quesadilla.

Ang isang complete meal ng mga Mehikano ay kadalasang binubuo ng meat dish, tortilla, burrito, beans at guacamole na gawa sa avocado.

6
At sa saliw na ng isang romantikong live music, maituturing ko na fulfilling ang dining experience ko ngayon.

7

Pinterest

Related posts