Business Flight – Las Vegas with Cristina

Business Flight – Las Vegas with Cristina

Ang Nevada ay isang southwestern state ng Estados Unidos.  Dito makikita ang isa sa most exciting cities ng Amerika.

2

Ito ang Las Vegas, Nevada pagsapit ng dilim. Ang mga matataas na gusali at iba pang mga istruktura ay binibigyang-buhay ng makukulay at matitingkad na ilaw. Kaya naman kilala ang Las Vegas bilang “the city that never sleeps.” Dito makikita ang mga pinakamalaki at pinakasikat na hotels, casinos at performance venues sa buong mundo. Kaya para sa mga mahilig sa games… sa nightlife…at sa entertainment, ang Las Vegas ay isang dream destination.

3

 

Bukod sa lavish lifestyle, kilala rin ang siyudad bilang isang major tourist destination. Patok na patok dito ang mga nakakamanghang pasyalan, gaya ng mga replica ng ancient man-made structures hanggang sa modern architectural wonders.

4

5

“Napakaganda naman dito, para akong nasa Louvre Paris Museum”

Hind lang pang-nightlife ang Las Vegas. Maging sa araw, the fun never stops, lalo na kung shopping ang pag-uusapan.

6

“Ang isa sa mga dinarayo dito ay ang Bonanza world’s largest gift shop.”

Ito ay isang landmark store na makikita dito sa Las Vegas Strip. Sa laking 40 thousand square feet at sa dami ng items, masasabi kong totoo ang kasabihang “shop till you drop” dito sa Bonanza.

Dahil sa laganap na turismo ng Las Vegas, masigla rin ang culinary industry dito. Kung tutuusin, binansagan din na fine dining capital of the world ang Las Vegas. Kaya may iba’t-ibang restaurants na siguradong handang pumawi ng iyong gutom.

7

“Alam niyo ba na ang sikat na palabas na ManVs Food ay iminungkahi ang mga pagkain na ito?
N
gayon alam ko na kung bakit… talagang mabubusog ka sa mga pagkain dito, ang lalaki ng servings o!

Para naman sa naghahanap ng iba pang exciting at rewarding shopping adventure, Las Vegas is the place to be.

Matapos ang masayang dining and shopping experience, magandang ideya rin na libutin ang downtown Las Vegas at tuklasin ang sorpresa at natatagong ganda ng lugar. At sa muling pagsapit ng gabi, muling lilitaw ang makulay, nakakaaliw at masayang buhay ng Las Vegas.…handang salubungin ang mga bisita at handang yakapin ang mga taong namamangha sa kanyang kakaibang ganda at halina.

8

Pinterest

Related posts