Business Flight – Setonaikai, Japan (Part 2)

Business Flight – Setonaikai, Japan (Part 2)

During the Edo Period, Kurashiki prospered as a hub for trade and commerce among merchants. Ang mga puting bahay na nakapaligid sa Kurashiki River ang nagsilbing imbakan ng mga merchant ng kanilang mga paninda. Ilang daang taon na ang nagdaan at ilan sa mga bahay na ito ay dumaan na sa remodeling at repair. Ngayon, karamihan sa mga storehouse na ito ay ginawa nang coffee shops, galleries at souvenir shops.

Untitled

The historical area of Bikan is best explored on foot. Kaya makikita mo ng malapitan bawat piraso ibinebenta nila.

Itong ceramic store ay isa rin palang tea house, kayaumakyat kami ni Saemi sa pangalawang palapag para subukan ang kanilang tsa-a.  In a traditional setting, the green tea or matcha is always paired with Japanese sweets called “wagashi.”

Untitled

The historical area of Bikan also a repository of art. Neatly placed in one of the alleys here is the Yumiko Igarashi Museum. Ipinangalan ang museum sa isa sa mga pinakasikat na manga artist sa buong Japan, si Yumiko Igarashi. Noong 10th century pa raw ito nagsimula ang kultura ng manga. At kadalasan, ang mga drawing dito ay hango sa pang araw-araw na buhay ng mga Hapon.

Untitled

Familiar ba kayo sa character na si Candy Candy? Naku, dito sa Yumiko Igarashi Museum, makikita natin yung mga gawa ni Igarashi, isa po siyang manga artist na talaga naming kilalang-kilala. At pagpasok natin, makikita natin yung mga costume at magpapa-picture. Ang ibig sabihin ng manga ay whimsical drawings. Kung sa atin, ito ay tinatawag na komiks. Sa manga, ginagamitan nila ito ng unique-looking characters, gaya ni Candy Candy.

Untitled
Untitled

Ang museum na ito ay nagsisilbi na ring isang shop kaya makikita dito ang mga souvenir item na binebenta.

Untitled

After a brief encounter with whimsical art, we proceeded to another venue just across the Kurashiki River.

Binuksan ang museum noong 1930 ng Kurashiki entrepreneur na si Ohara Mogasaburo bilang pag-alala sa Japanese painter artist na si Kojima Torajiro. Sinasabing si Torajiro ang nagdala ng mga western artworks sa bansa mula sa Europa. Kaya ngayon, ang Ohara Museum of Art ay isa sa pinakamahalagang museum sa buong bansa dahil dito nakalagak ang painting ng mga kilalang pintor sa buong mundo.

Untitled
Untitled

Noong una daw, mga artwork lang ng French artists ang nakalagay dito, pero habang lumalaki ang koleksiyon, pati mga gawa ng ibang western artists ay isinama na rin.  Para sa akin, ang masasabi kong centerpiece of all masterpieces dito sa Ohara Museum of Art ay ang napakalaking painting ni Leon Frederic.

My tour around Bikan indeed, was a total pleasure. It gives you the opportunity to enjoy what these former merchant storehouses can offer today. More importantly, Bikan is a rewarding showcase of art and history, an experience that I will treasure.

Untitled

Ang Okayama ay maituturing na isang modern city. Pero sa likod nito ay isang malaking castle na bahagi ng mayamang kasaysayan ng Japan. Mula pa lang sa Asahi Bridge ay makikita na ang napaka- gandiyosong kastilyo. Sa ilalim nito ay ang Asahi River, na nagsisilbi na ring moat o water channel bilang proteksiyon sa kastilyo.  Gaya ng ibang kastilyo sa buong Japan, nasa mataas na lugar ang Okayama Castle at pinatibay ng malalaking bato ang pundasyon at paligid nito.

Untitled

Dahil sa itim nitong panlabas na kaanyuan kaya tinagurian din nila itong crow castle. Pero noong World War Two, nasira ang orihinal na kastilyo kaya dumaan ito sa reconstruction noong 1966. Ang Okayama Castle ay may anim na palapag. Tinagurian din ito bilang isa sa mga pinakamahalagang cultural properties ng Japan. Nakapaloob dito ang ilang piraso ng kasaysayan. Bilang bahagi ng atraksiyon dito, pwede ring magsuot ng traditional Japanese dress. Para sa akin, ang tradisyonal na damit pangkasal ang inihanda nila.

Untitled
Untitled

At siyempre, hindi makukumpleto ang kasal kung walang groom na isang shogun.

Mula naman sa pinakamataas na palapag ay makikita ang Korakuen Garden.

Untitled

Sinimulan itong gawin noong 1687 at natapos noong 1700. Ito ang lugar kung saan nililibang ng “daimyo” o Feudal ruler ang kanyang mahahalagang bisita noong panahon pa ng mga shogunate. Mula nang isalin sa gobyerno ng Okayama Prefecture ang pamamahala nito, binuksan na rin ito sa publiko.

Hanggang ngayon ay napapanatili nito ang orihinal na itsura. Ang karaniwang features ng isang Japanese garden ay binubuo ng lawn, fish pond, streams, hills at tea houses. Sa kasalukuyan, ang Korakuen Garden ay isa lamang sa tatlong pinakamagagandang hardin sa buong Japan kaya paborito itong pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista.

Untitled
Untitled

Sa lahat ng paglalakbay ko, itong Setonaikia experience ang masasabi kong kakaiba…may mga hindi inaasahan at maraming magagandang sorpresa ang bumati sa akin…

 

Pinterest

Related posts